RUBY TUASON, IBA PANG WHISTLEBLOWERS, HAHARAP NGAYON SA SENADO

DADALO sina Ruby Tuason, Benhur Luy at iba pang pork barrel scam whistleblowers sa pagdinig ng Senado bukas.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, bukod sa dalawa, kasami rin nilang haharap sina Gertrudes Luy, Marina Sula, Merlina Suñas at Monet Briones.
Kasado naman na ang seguridad sa Senado para sa pagdating ng mga ito.
Samantala, muling nag-faceoff kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) sina Tuason at mga whistleblowers upang paghandaan na rin ang nakatakdang pagharap ngayon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa pagharap ni Tuason sa mga mamahayag, inihayag ng tinaguriang "state witness" na nakahanda nitong ilahad ang katotohanan sa Senado para sa kaniyang pagharap.

"I will tell the truth,” ani Tuason.